5/27/11: A day with Micah :)
was posted at Saturday, August 20, 2011 12:05 AM with 1 comments add more?
  •  Went to Micah’s House.
  •  Then Mall.
  •  Namili na kame.
  •  Umuwi sa bahay nina Micah.
  •  Umuwi sa bahay namin.
  •  Umuwi sa bahay ng tita ko.
Kakapagod no? Haaay! This day is so tiring but still I enjoyed, because kasama ko si Bestfriend (Micah) pag naman siya naman kasama ko kahit anong ginagawa ko nakakaenjoy pa rin and hindi ako naboboring.
Sooo, una kong ginawa pumunta muna kina Micah, hinintay ko muna siya kase nag ayos pa siya umabot kame ng mga 1:30 PM na ata yun, then pagkatapos nun pumunta na kame ng Mall, tawa kame ng tawa haha! kase naman nakakatakot yung sapatos ng bata tyaka kahit ano ano lang pinagtatawanan na’min kahit walang nakakatawa basta kapag magkasama kame natatawa na kame, ewan ba, yung parang hindi na’min mapigilan tumawa, tapos isang tingin palang alam na na’min tas tatawa na kaagad kaya minsan tinitignan kame ng mga tao, minsan din di ko namamalayan napapalakas na pala boses ko, haha! So, yun edi inuna na muna na’min yung pag bili ng bag nahirapan pa’kong mamili gusto ko talaga yung Cose na black kaso 799.00 siya eh dala kong pera 1,200 kung bibilin ko yun di kona mabibili yung mga dapat kopang bilhin, so yung Cose na red nalang na 490 siya, so yun naghahanap kame ng sandals kaso wala kaming mahanap, so pumunta nalang kame sa 2nd floor tapos pumunta muna kame sa Jewels para bumili ng damit sakto naka sale pa naman agad naman kaming nakapile yung tig 100 maganda naman, so yun nagutom na kame! bumili kame ng pizza in pocket ni Micah. Then pumunta kame ng Robinson dumaan kame sa over pass tapos yung batang namamalimos hinihingi yung pagkaen ko tapos sabe niya hati daw kame hinati ko ayaw naman niyang kunin ayaw niya pa akong padaanin medyo natuwa ako, tapos sabi nung dumaan na lalake “Ayy! emula sasabatan ding dadalan” sa tagalog “Ayy! Hwag mong sabatin ang mga dumadaan” tapos sabi nung bata nung tumalikod yung matanda “Eka makealam!” sa tagalog “Huwag kang makealam!” haha! lokong bata yun. Edi yun nakababa din ako pinadaan din ako nung bata, tapos bumili na kame ng pants ko, yung una kong finit hindi siya fit sa’kin tapos yung kalawa fit na fit so yun nalang binili na’min. Then, umuwi na kame, umuwi muna ako kina Micah, at dun na kame nagkwentuhan at naglagay ng peel off mask cream, effective naman nung inalis na na’min ang smooth tapos parang gumaan ung mukha na’min. So, nung natapos na kame hinatid na ako ni Micah tyaka yung kapatid niya si Lyka sa kanto nila tapos agad agad naman nakasakay ako ng Jeep. Tapos bumaba muna ako kina tita ko sa Mexico, akala ko kase andun pa yung isa kong tita, umalis na’din pala sila, so hinatid na’lang ako ng tita ko sa Sn. Pblo, sa’min, then pagkauwi ko agad agad naman akong kumaen kase gutom na gutom na’ko, tapos medyo late na’kong nakapagcomputer kase ayaw nila talaga akong magcomputer kase may sore eyes daw ako, nakakainis nga e, dapat ‘tong popost kona to kahapon pa, kaso di ko natapos kaya ngayun ko nalang tinuloy, di rin ako makapagcomputer ng maayos tumatakas takas lang ako, sana di ako mahuli.

Labels: